Umaabot na sa 196 ang naitalang death toll sa patuloy na krisis sa lungsod ng Marawi dulot ng pag-atake ng Maute –ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) na pumalo na sa mahigit dalawang linggo.
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-Bayt (ABNA24) – Sinabi ni tagapag-salita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas(AFP) Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., kabilang sa mga nasawi ay ang 134 teroristang Maute-ISIS na target ng opensiba sa Marawi City.
Samantalang nasa 39 ang nasawing sundalo at nasa 20 naman sa panig ng mga sibilyan. Sa hanay ng pulisya tatlo ang naitalang nasawi at lima naman ang mga nasugatan.
Naitala naman sa 1, 545 sibilyan na na-trap at na-hostage ng Maute –ISIS sa bakbakan sa Marawi City ang nasagip ng tropa ng militar. Sa kasalukuyan, napaulat naman na nasa 1,000 sibilyan ang na-hostage sa bakbakan.
Samantalang aabot na sa 150 mga armas at bala ang nasamsam ng tropang gobyerno sa operasyon upang linisin laban sa Maute –ISIS terror groups ang lungsod ng Marawi.
Karamihan sa mga na¬rekober na matataas na kalibre ng mga armas ay kasama sa nakumpiskang P79.2 M cash at tseke sa operasyon ng tropa ng Philippine Marine sa Brgy. Mapandi nitong Lunes ng hapon.
Sa kasalukuyan, sinabi naman ni Lt. Gen. Carlito Gal¬vez Jr., Commander ng AFP-Western Mindanao Command na nakasentro na lamang ang bakbakan sa pinansyal na distrito ng lungsod sa mga gusali na pinu-puwestuhan ng mga snipers ng Maute –terror groups.
We are clearing the southeastern side of Marawi across the river in Bangolo area “, pahayag ni Galvez na sinabing nag-iingat sa operasyon ang tropa ng militar dahilan nasa loob ng mga gusali at mga bahay ang nagsisipagtago pang Maute –ISIS terrorist na tinatayang nasa 100 pa ang bilang.
Sinabi naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na ha¬bang lumalakad ang mga oras at araw ay papaliit ng papaliit ang mundo ng naturang teroristang grupo na una nang tinaningan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tatlo pang karagdagang araw upang malipol lahat .
7 Hunyo 2017 - 23:02
News ID: 835064
Umaabot na sa 196 ang naitalang death toll sa patuloy na krisis sa lungsod ng Marawi dulot ng pag-atake ng Maute –ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) na pumalo na sa mahigit dalawang linggo.